Create AI Video
Create AI Video

Alamat ng Mannga

Jovy Gualvez
2024-08-23 21:05:04
Noon ay iisa lamang ang uri ng mangga. Tinatawag itong ‘pahutan’. Ang bakuran ni Tandang Isko ay hindi kailanma’y nagkulang sa mga puno ng mangga, kung kaya’t sa panahon ng pamumunga ay lapitin ang lugar ni Tandang Isko sa mga bata. Kusa naman itong binibigay ng matanda. Isa sa mga kusang binigyan nito ay isang dalaga na sobrang saya ay itinanim ang mga buto nito sa paanan ng bundok.Ang nakakagulat ay kaagad na tumubo ang mga mangga matapos ang ilang araw. Ang isang kahoy ay mahilig makipag-usap sa isang kalabaw at ang isa nama’y nawili sa piko ng isang magsasaka. Nang ito’y nagbunga, gulat na gulat si Tandang Isko dahil iba ang hugis at mukha ng mga ito! Sumulpot naman ang dalaga na isa pa lang diwata ng mga prutas at pinangalanan itong Manggang Kalabaw at Manggang Piko, hango sa kanilang mga ginagawa habang hindi pa nagbubunga.

Related Videos